This post is written in Filipino. I was tagged and I have to do it in our native tongue. But not to worry, I'm posting the instructions in English so that if anybody out there who wants to do an English version of this tag (*wink* *wink* Juice! LOL!) can do so.
Mechanics: (Tagged by Vinkz) If you want to read the story preceding this one, please visit Vinkz’s blog.
1. I will write a short story and tag someone else.
2. They will continue the story on their blog without rewriting the first story.
3. The next writer will tag another person to keep the story going.
4. To the people who are tagged, continue the story based SOLELY on the story written by the person who tagged you.
5. You cannot read any of the stories that came before the person that tagged you.
------------------------------------------------------
Hindi ako makapagisip ng mabuti. Napakasakit ng ulo ko. Para bang nakainom ako ng isang malaking bote ng tequila at hinampas sa ulo ko ang wala nang laman na bote. Wala akong maalala. Sarili kong pangalan ay hindi ako sigurado. Pero may isang bagay na hindi mawala sa isipan ko. Ang anghel na nasa paanan ko… Hindi ko maintindihan pero ang gaan ng loob ko pag nakikita ko siya. May liwanag na bumabalot sa kanyang di ko maintindihan. Bigla kong naalala ang singsing na nasa bulsa ko. Para ba sa kanya ito? Anong meron sa araw na ito? Ano ba talaga ang nangyari sakin?! Lalong sumasakit ang ulo ko sa bawat tanong na aking iniisip…Sa sobrang sakit ng ulo, katawan at sugat ko ay naidlip akong muli.
Nakarinig ako ng pintong bumubukas. May pumasok sa kwartong kinalalagyan ko. Matangkad, nakaputi at nakatakip ang mukha nya. Isa ba siyang duktor? May tinurok siya sa swero ko. Makalipas lamang ang ilang segundo, biglang bumigat ang katawan ko, hindi ako makagalaw. Pagkatapos ay lumapit siya sa aking anghel. May hawak siyang panyo at may kinabit na gamot. Alam ko na ang balak niyang gawin. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko upang makagalaw. Walang nangyari… Ikinabit nya ang panyo sa mukha ng aking anghel. Bigla siyang nagpumiglas ngunit dagling tumigil. Ang tangi ko lang nagawa ay panoorin ang duktor nang buhatin nya ang aking anghel palabas ng kwarto. Tahimik ang katawan ko ngunit nagpupumiglas ang aking damdamin sa galit at lungkot. Tuluyan na silang nawala sa aking paningin. Naluha na lamang ako. Wala akong nagawa…Wala…
Parang nawalan ako ng dahilan para mabuhay. Dumilim ang mundo ko at bumalik ang takot, pagaalala at kalungkutan. Muli na ba akong bumalik sa impyerno? Biglang kumirot ang malaking galos sa aking tagiliran. Napuno ang kumot at kama ko ng dugo. Ito lamang ang kulay na makikita sa isang napakaputing silid. Napakasakit ng aking nararamdaman, ngunit tanging ang anghel ko lang ang nasa aking isipan. Hinimatay ako sa sakit. Kailangan ko siyang hanapin… Kailangan ko siyang puntahan…
Bigla akong nagising at sinigaw ang pangalan nya… Yun ba ang pangalan ng anghel ko? Muli ko nang nagagalaw ang katawan. Kailangan ko siyang hanapin…Baka ano na ang nangyari sa kanya. Umupo ako sa kama at mabilis na hinila ang swerong nakasaksak sa aking kamay. Dumugo. Tumayo ako at biglang naramdaman ang sakit dulot ng malaking galos sa aking tagiliran. Kailangang tiisin… Kailangan nya ako. Nanghihina pa ko at nahihirapang maglakad. Parang bata na ngayon lang natututong lumakad. Binuksan ko ang pintuan gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nasa galos ko.
Pagkalabas ko ng kwarto, biglang nagsara ang pintuan. Hindi ko na muling mabuksan. Ang nakita ko ay walang katulad sa kwartong tinulugan ko kanina. Madilim. May mga ilaw ngunit kakaunti lamang ang alay nilang liwanag sa bulwagang aking dinaraanan. May naririnig akong mga ungol at mga sigaw ng paghihirap. Hindi ko alam kung san nangagaling. Sa paglalakad ko ay may nakita akong madre. Naglalakad siya sa kabilang dulo ng bulwagan. Tinawag ko siya upang humingi ng tulong, ngunit bigla siyang lumiko at nawala sa aking paningin. Sinundan ko siya. Di ko na alam kung nasan ako. Hindi ko na siya naabutan at pakiramdam ko ay may sumusunod sakin. Pagtalikod ko ay may babaeng nakatayo. Mga limang metro ang layo sakin. Mukha siyang pasyente, at may swero din siya at hinihila nya ito. Nakayuko siya kaya di ko makita ang kanyang mukha. Puro dugo ang damit nya at tumutulo ito papunta sa paa nya. Puno ng dugo ang sahig na nilalakaran nya. Inaamin kong natakot ako sa kanya. Tumalikod ako at biglang nasa harapan ko ang madreng kanina ko pa sinusundan…
Patawarin nyo sana ako kung ito'y hindi kasing galing ng kay Vinkz o kay Bulitas. Hanggang dyan lang ang aking kakayahan sa pagtatagalog. Halos dumugo na nga ang ilong ko sa kakaisip eh. Tama na yan...
0 comments:
Post a Comment