This is a new segment in my blog. You will see this title every time I have something I really want to rant about unexpectedly. This blog entry is not part of my usual postings (It usually takes a few days for me to finalize a topic to be posted in my blog). I just want to express my sentiments regarding a certain topic or event that has happened to me recently and I really really want to convey my thoughts and irritations regarding the matter. So, here it goes…
Tuesday
May 23, 2006
At the University where I am studying
Enrollment Day…
*For all intents and purposes, I will write this blog mainly in my native tongue, Filipino. I really wanted to keep this blog “universal” so that anyone can read it. Unfortunately, this blog entry will better convey how I felt in the story if I used the Filipino language.*
My day started like any normal day. Sumikat ang araw, tumilaok ang mga manok, at nagsimula nang magwalis ang mga kapitbahay ko ng alikabok at ng mga tuyong dahon sa kalsada namin. Gumising ako ng maaga, mga alas-kwatro. Naghanda at naligo, nagbihis at kumain. Mga bandang 6 a.m. ay nakaalis na ako ng bahay at handa nang harapin ang mga pagsubok ng…ENROLLMENT DAY… (bam, bam, bam)
Nakarating ako sa paaralan ko. Noong una, akala ko ay maaga na ko, wala pa kasi akong kasabay na co-enrolles sa pagpasok ko ng eskwelahan at ang mga nakikita kong mga tao ay mga empleyado. Panatag ang loob kong matatapos ko kaagad ang enrollment ko, dahil makakabayad ako kaagad. Sa enrollment kasi namin, ang pinakamatagal ay ang pagbabayad ng entrance fee para masimulan mo ang pageenrol. Nang medyo sulyap ko na ang pilahan para sa pagkuha ng number para makapagbayad ng entrance fee, may nakita na akong nakapila. Ok lang, kahit bente pa sila, ok lang kasi konti parin yun. Nang makalapit na ako, di ako makapaniwala sa nasilayan ko, naka dalawang ikot na ang pila! Grabe naman! Daig pa ang pila para sa Gonuts Donuts sa SM Clark! Haaay, para bang isang masamang pangitain ito ah!
Nang matapos na’to, tumungo na ako sa pagkukuha ng mga subjects ko. Nakapaskil ang mga available subject at ang schedule nila sa dalawang magkatabing bulletin board. Anak ng tokwa! Pati doon, sandamukal na ang tao, hindi mo na nga masilayan ang board sa dami. Sige, kailangang maghanda dahil kakailanganin kong sumingit para makakuha ng subjects. Pagkarating doon, excuse me ang tanging bukang bibig ko. At last! Pagakakataon ko nang magamit ang katawan ko para malaki ang sakop ko sa board at marami akong makikita. Unti-unti akong nakalapit, tumatagaktak na ang pawis ko at dumudulas na sa braso ko ang dala kong bag. Pagkarating ko sa harap, dali-daling kinopya lahat ng kinaylangan na subject. Ngunit, may nangyaring di ko inaasahan, sinisiksik at tinutulak ako ng mga kababaihang (mga pademure at ala-heart ang dating) katabi ko. Di ko inaasahang mauusog nila ako! Grabe na talaga ito! Nang mapaalis ako sa lugar ko, may narinig akong malakas na “THUG!” Pakshet! Pakshet talaga! For the first time in the history ng cellphone ko, bumagsak ito sa cemento! Higit 5 feet ang taas ng ibinagsak niya kaya laki ng inis ko sa nangyari. Napansin ko na may kulang pa pala akong isang subject sa sked ko, kaya lang, di na ako makabalik sa harap. Kaya nagging wais ako, isa-isa kong sinilip ang mga papel ng mga katabi ko kung saan nakasulat ang sked nila para makopya yung kailangan kong subject (wais ba yon?!). Uiy! Jackpot! May nakita din akong papel na mayroong subject na kailangan ko. Kinopya ko ito at dumiretso na sa enlistment.
Dalawang pagsubok… Nalagpasan ko na… At in fairness, hindi pa ko mukhang nirape ng mga hyena! Pumila na ako para sa enlistment. Unti-unti itong umusad, at ako na ang tinawag. Ibinigay ko ang sked sheet ko. Tinignan ng evaluator, hanggang sa binigkas niya ang mga kinatatakutan kong salita…”Nasaan ang mga CLASS CODES?! Hindi pwede ito, ang kailangan ko yung class codes!” (ang class codes ang ginagamit ng mga evaluator para malaman kung open pa yung sked at subject na gusto mo). Sinundan pa nya ito ng isang kasuklam-suklam na pangungusap, "Kailangan mong bumalik doon sa bulletin board at kopyahin mo yung mga class codes! Next!"
“One step forward, ten steps back......le…che…”
Pagkatapos ng aking personal War of the Worlds part two, nakuha ko na rin ang mga class codes. Chineck ng evaluator yung sked ko, “sige, open pa yung mga gusto mong subjects, pa-input mo na”. Haaay salamat, kumakampi na sakin ang swerte at pagkakataon. Pagkadating ko sa station, chineck ng checker yung sked ko at ininput… “Teka, closed na ang sked na ito, ito, ito, at ito, papalit mo sa evaluator mo”, bigkas ng checker… Ano !?! akala ko kumampi na sakin ang swerte? Nasaan na ang pagkakataon ko? Super grabe na talaga wala na akong lakas mainis, hinihintay ko na nga lang ang cue ni ashton kutcher para sabihin saking, “you’ve been punk’d!” (kasi naman sikat ako, kaya naman si ashton kutcher at hindi si carlos agassi!)
Ok… Tapos na… Picture nalang… Tapos na… Konti pang pwersa ! (hehe)
Muli akong pumila para sa pagkuha ng ID. Ilang steps nalang at tapos na ako. Naghintay ng ilang minuto para tawagin ang pangalan ko. “Yturralde, Gino?”, ako na. pinaupo ako sa isang mataas na monoblock at may putting blackboard sa likod ko. Kinunan ako ng letrato habang pinapanood ng mga ibang naghihintay kung anong klaseng ngiti ang gagamitin ko para sa ID ko. Sa puntong ito, di ko na alam kung estudyante pa ko o taong yagit na borderline taong grasa na nagahasa ng hayop. Hindi ako ngumiti. “Okay, 1, 2, smile! 3!”, tapos na, paalis na ko nang tawagin ako, “teka, take two tayo, Malabo eh.” Para paikliin ang mahaba nang istorya umabot kami hanggang take 5. Sa puntong ito, lahat na ng mga tao sa loob ng kwarto ay nakatinggin na sakin. Pakiramdam ko eh parang nasa nude painting session kami at ako ang subject (yuck ha!)… Kahit yung ikalima ay pangit, ngunit di na ako nagreklamo, para lang matapos na.
Nakuha ko na ang ID ko at tinapos ko na ang lahat. HAAAAAAAAAY!!! Sa wakas, natapos din ako. Nang paalis na ko, nakita ko ang mga stations na pinagdaanan ko… Magreminisce daw ba!?! Habang paalis, sinasabi ko sa sarili ko, “Uiy, kanina lang nandyan ako ah!”, “Wow, I remember the times.”
“I remember pa nga, dyan me narape ng hyenas eh”
“Good Times Talaga…”